Friday, August 31, 2007

Tropang Trumpo "rics version"


Ito ang isa sa mga picture ng tropang trumpo sa Hitachi. Nakunan yan ilang araw bago ako magresign doon. Sa mga engineers ng tropang ire ay kami ni Luche ang pinakabata. Hindi man sa itsura ay pati narin sa buwan na inilagi sa kumpanyang ito noong kinunan ang picture. Nakakatuwa nga lang isipin na kahit hindi na kami magkakasama ngayon, at lahat kami ay nagsi-alisan na sa Hicap...lahat kami ay may iniwang magagandang alaala sa puso ng bawat isa. Kami ni Edong ang alam kong vocal pagdating sa blogs sa kwento ng grupong ito. At kaya naman ang pangalawang post ko ay tungkol sa samahang ito dahil siya rin ang may impluwensya sa aking mag-blog. May blog na si Edong about Tropang Trumpo kaya linagyan ko naman ng version yung akin.
Si Philip ang naka-luntian. Pinakamatindi yan matulog pag lunch break. Hindi ko alam pano nya nagagawang matulog ng mahimbing sa upuan. Sa likod nya ay si Marcy dudes. Ang tindi ng taong ito. Sa buong buong buhay ko ay hindi ko makakalimutan ang taong ito. Mabait talga at maaasahan. Masipag magtrabaho, masayahin, matulungin at matalino. Idol ko sya at hindi nya alam. Nahiya lang ako sa kanya dahil alam ko na hindi ko sya natulungan sa trabaho sa abot ng aking makakaya. Nagresign ako pagkatapos lang ng 7 buwan at parang kulang na kulang pa ang naitulong ko sa kanya sa test area. Marami akong pinagsisisihan na ginawa o hindi ginawa noong nasa Hitachi ako pero huli na noong naisip ko lahat ng mga yun. Nakakalungkot pero huli na rin at kung uulitin ko man ang pagkakataon ay aalis pa rin ako sa trabaho.
Maraming panahon na lumipas at maraming pangyayari ang nagdaan mula noong umalis ako.. At parang pag pinaguusapan ang tropang ito ay laging mananariwa ang masarap na mga alaala. Magagaling magbowling ang mga yan. Si Luche naman na kasama kong babae sa picture ay matalino at sexy. Tubong Davao din sya katulad nina Bai at Joey. Madaling tumawa at umiyak. Hindi ko makakalimutan ang crush nyang si..... Si Mommy Jean at Tyrene ang lagi naming kapalitan ng mga maliliit na notes tuwing trabaho. Kaya naiipon noong ang maliliit na papel sa table ko dahil sa mga msgs nila. Katuwa! Ang maputing nasa likod ni Luche ay si Joey. Tuwing umaga, dahil magkatapat lang ang computers naming magkatalikod, sya ang una kong naaasar. Ewan ko kung tanda nya pa pero lahat na yta ng funny faces ay nagawa na namin tuwing may time maging kenkoy at sinisilip ko syang tahimik na nagtatrabaho. Katabi nya si Okutso noon kaya mahirap kong daldalan. Ang pangalan ng asawa nya ay Maricar din pero sa Hicap kasi noon ay Rics ang pangalan ko kaya di kami sabay tumingin pag tinatawag kami. Ang nasa likod ko naman ay si Stan. Seryoso ang pagkakakilanlan ko sa kanya pero humahataw rin tuwing may mga kalokohan kaming ginagawa...Si Edong naman na katabi ko ang makata pag nagsulat. Super touch ako nyan noong lahat ng Tropa ay may sulat na ginawa para sakin bago ako umalis. Linagay nya sa bote yun at dinala ko hanggangdito sa Baguio ang mga alaala.
Sa mga taong ito... kahit saan, kahit kailan, hindi ko kayo makakalimutan. Salamat mga kaibigan.
Hala kung nabasa nyo to..kailangan may sarili narin kayong blog para sa mga version ng inyong kwento sa tropang ito.

Thursday, August 23, 2007

unang pagbasa

Di kaya lahat ng nagsisimula ng isang blog ay nababato o walang mapag-ukulan ng pansin?

di kaya kabaliktaran at sa dami ng iniisip at ginagawa ay nais lamang maglabas ng mga saloobin?

hindi ko alam sa nakakarami pero ako eh malapit nang mapraning.

kaya heto, eto nalang siguro ang paraan kung paano mawala ang kulingling.